Puno ng Miyok

Author: mastah_plann  //  Category: Short Stories

ANG PUNO NG MIYOK

“Ang lahat ay dapat na nasa kanila ng mga tent pagsapit ng alas-diyes ng gabi” kabilin-bilinan ni Bb. Villaluz sa kanyang mga mag-aaral.

Ang mga mag-aaral ng ikaanim na baitang ay nagkaroon ng exposure trip sa Antipolo, Rizal. Doon ay tinuturuan ang bawat mag-aaral kung anu-ano ang mga paraan sa pagpapanatili ng kagandahan ng kalikasan.

“Buti na lang nakasama ako sa field trip natin na ito. Bukod sa masaya ay marami pa akong natututunang paraan upang maisalba ang ating kalikasan” banggit ni Tom sa kanyang kaibigang si Jerry.

“Oo nga, ito talaga ang pakay ko dito” sagot ni Jerry

“Pakay? Anong ibig mong sabihin?”

“Mamayang gabi sa loob ng ating tent ay sasabihin ko sa iyo.”

Pagkatapos maghapunan ay dumiretso na ang magkaibigan sa kanilang tent. Nang patayin na ang mga ilaw ay may inilabas si Jerry na isang bagay. Gamit lamang ang kanilang mga gasera ay inaninag ng magkaibigan ang kakaibang bagay na ito na hawak ni Jerry.

“Ano iyan?” Pagtatanong ni Tom.

“Ito ay ang dahon ng puno ng Miyok.”

“Miyok? Ngayon lang ako nakarinig ng ganyang klase ng puno.”

“Oo, dahil ang dahon na ito ay hindi galing sa planetang ito.”

“Ha? Ang ibig mong sabihin ay galing pa iyan sa ibang planeta?” hindi makapaniwalang pagtatanong ni Tom.

“Totoo ang sinasabi ko. Kung ayaw mong maniwala ay patutunayan ko ito sa iyo.” Pagkasabi nito ay may inilabas si Jerry sa kanyang bulsa na bilugang bagay na halos kasing laki ng bola ng baseball. May lumabas ditong nakasisilaw na liwanag at matapos ang ilaw na iyon ay nagulantang si Tom sa kanyang nakita.

“Nasaan na tayo?” Pupungas-pungas pang wika ni Tom.

“Tayo ay nasa planetang Gargon.”

“Ganoon ba. Puro pala disyerto ang planetang ito at walang katau-tao.”

“Oo, namamatay na ang aming planeta, malungkot na wika ni Jerry”

“Paanong namamatay na ito?”

“Namamatay na ang aming planeta dahil na din sa pagpapabaya ng mga naninirahan dito. Sa pagsulong ng aming teknolohiya at agham ay hindi namin napansin ang unti-unting pagkawasak ng aming kalikasan. Ang dahon na iyan na hawak mo ay ang kaisa-isang puno na natitira sa aming planeta. Ito ang puno ng Miyok. Kaya ako nagpunta sa inyong mundo ay para malaman ko kung ano ang maari pang gawin naming mga naninirahan sa planetang ito upang maisalba ang aming kalikasan.”

“Marami ka bang nakuhang ipormasyon?”

“Napakarami! Bukas na bukas din ay sisimulan ko na ang mga proyektong ito.”

“Sana nga maging matagumpay ang iyong mga balak para maisalba mo ang inyong planeta.”

“Sa tulong na ibinigay ng mga tao sa inyong mundo ay madali kong magagawa ang iyong mga tinuran. Paalam sa iyo kaibigang. Mananatili na ako dito sa aking lupang sinilangan. Kailangan nang magtuturo sa mga naninirahan sa aming planeta kung paano maisasalba ang aming natitirang kalikasan.”

“Mag-iingat ka kaibigan’ Pagpapaalam ni Tom kay Jerry.

Kinaumagahan ay nagising si Tom sa tunog ng silbato ni Bb. Villaluz. PRRRRT!!! PRRRRT!!

“Umaga na pala. Kay gandang panaginip. Ako ay naglakbay sa ibang planeta sa isang kisap mata lamang. Hahahaha, hindi kapanipaniwalang panaginip.”

Iiling-iling pa si Tom habang natatawa sa kanyang sarili. Sa pagtayo niya mula sa kanyang hinihigang kuna ay may nakapa siyang isang bagay. Ito ay walang iba kung hindi ang dahon ng puno ng Miyok.

Nostalgia

Author: mastah_plann  //  Category: Short Stories

The sound of a distant thunder woke me up from my afternoon nap. I looked up and thought of rain. “The sky is unusually dark. It sure is going to rain” I said to myself. I continued travelling that lonely road. It was only me and my horse that afternoon on that lonely road to Manila. I was just thinking of selling my goods to Manila when the rain started to pour. I didn’t bother to stop. I already got my raincoat on anyway so why bother. My Horse, Silas is also going to get wet anyway so we prodded on. The rain was really pouring down when I saw her. She was standing there on the roadside standing under a mango tree trying her best to stay dry. I asked her if I can give her a ride on my carriage. I asked her not because I fancy her. I asked her because I need company on that lonely road. That’s how it all began, on that muddy road to Manila. I will never forget that day, January 18 1856. That was the first time we met.It was Centuries ago but I know I’m going to meet her again this century.